![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
96.3, lite rock..Ben, the two of us need look no mooore...We both found what we were looking fooooor.... Ben ni Michael Jackson ang myusik sa radyo ng gumising ako nung araw na yun, maaga ulit gising, alas sais na nga e, medyo late na pala, ganung routine ulit, lagpas kalahati na ang aming paglalakbay ng mga co-OJT ko, sa wakas matatapos na kami.
Masayang medyo malungkot. Yun ang pakiramdam ko, masaya dahil matatapos na kami, malungkot dahil mamamaalam na kami, kahit maikli lang ang inistay namin d2 sa camp, medyo nkakamis din, nkakamis yung mga PC, kahit medyo pinapakain ka ng alikabok, yung mga units na ganito ang bumubuhay sa mga computer technicians.
Ala sais y mediya na ko nakaalis samin, nagmamadali akong lumakad papuntang terminal ng jeep pa bayan. Tumataas na ang araw, sayang ang oras ko kung tatanghaliin ako sa daan.
Pagdating ko sa terminal, onti nalang ang inaantay aalis na ang jeep, mabilis naman napuno, mabilis din ang biyahe, pagkadating ko sa bayan diretso agad ng stoplight para maghintay ng bus, mabilis din ako nakasakay, express na sana ang biyahe, pagdating ng c5, traffic.
DON MARIANO.
Ayan ang bus na nakatimbuwang sa c5 noon, ambaho. nangangamoy sunog na goma, ang maganda pa jan, naka pose yung bus sa gitna ng kalsada, ayaw pa ata magparaan.
Matapos ang ilang minutong pagpapainit at pagpila sa trapik, nakalagpas na kami, express na ulit, okey! Ay, hindi pala, alas siete y medya na, nasa north avenue palang ako, sayang oras.
Pasado alas otso na ko nkarating sa PVAO, nagmamadaling nag-in at umakyat para magreport, pagdating ko sa taas, absent si sir Robert.
Gawa dito gawa doon. repair dito repair doon, para kaming trumpo ni Jason, sa data center kasi ang main technical area nila doon, kumbaga sa ospital, E.R. pero okay din, lalo na kapag pinapatawag kami sa kabilang building para mag repair ng units, o magformat ng laptop nila, lagi naman me kapalit na tatlong palitao. hehe..
Magkahiwalay kami ni Jason, siya sa kabilang room, nagpapinstall sakanya ng MS Office 2003, ako sa kabila naman, napapaformat ng tatlong komputer yung lalaki.
"Eto format mo pati yung nandun sa kahon" sabi nung lalaki,
"Sige po sir!" sagot ko.
"Tapos ilipat mo yung fan ng power supply nung nasa kahon sa unit ko." banat nung lalaki.
"s-sige sir" sagot ko namay halong kaunting pagtataka. diko matiis na hindi magtanong.
"sir? Paano po natin ililipat yung fan nung power supply eh built - in po yun?" tanong ko ng buong pagtataka.
"ah yung fan? Ilan ba memory cache niyan?" balik na tanong sa akin.
dun ko na naisip, marami talagang nagmamarunong pagdating sa PC. Sinuggest ko nalang na pagpalitin nalang namin yung power supply ng mga PC para mas madali, bumanat ulit siya:
"Ahh yung supply? Hindi ata pwede yun kasi mas mataas yung memory nitong isa? Ang gusto ko lang naman yung fan, pero sige kung yun yung mas maganda."
Hayy, buti pumayag. Magkalyo talaga ang mundo ng mga teknikal sa mundo ng mga normal.
Ilang oras din ang lumipas bago namin natapos yung mga ginagawa namin, sabay kami ni Jason, dumiretso na kami kumain sa labas. Nagkita kita kami doon sa kainan ni Mayor, ni Bok at ni dudz, as usual, si Jason atsaka si dudz, me contest nanaman sa kanin, iba naman ang laban ngayon, kung noon, paramihan ng kain, ngayon, pataasan ng bundok ng kanin sa plato. haha, sarap.
Pagkatapos namin kumain, busog kaming bumalik sa department namin ni Jason, pagpasok sa main door, may sumitsit sa gilid..
"Pst!"
Sabay himas sa likod ko at kay Jason. Si Rico, kahit may kaunting kilabot, nakiride nalang kami, naalala namin, patapos na pala kami sa OJT namin.
Marami kaming mamimis sa buhay kolehiyo, mga prof namin, yung skul, si kuya guard na mala goggles ang salamin, mga kalase naming makukulet, mga skulmate, si sir Robert at si dudz sa OJT namin, pati pala si Rico, bago namin malimutan. Mamimis ko din ang Cubao, dami kasi magaganda doon, pati pala yung mga masusungit na tindera ng DEECO, pati na rin yung sabaw sa kainan sa tapat nung camp, saka yung MP na masunget din na guard ng camp, di naman nag chehchek ng bag.
March 18, 2010
Dala namin ang lahat ng requirements sa OJT, last day na namin, hihingi nadin kami ng certification, papirma ng timecard saka papa fill-up yung evaluation. Mabilis lang namin nakumpleto, huling in at out na namin doon. nanalala ko, 200 hours na pala.
Naging masaya kami sa OJT namin, 200 hours of enjoyment, 200 hours ng information, 200 hours ng experience. experience na hindi mo makikita kung tatambay ka lang sa bahay, o makikipag inuman ka sa mga kabarkada mo. Marami kaming napala sa OJT namin, kahit walang allowance, sapat naman natutunan namin.
Naririnig ko na ang martsa, naamoy ko na ang ambiance, nalalapit na nga siguro ang pinaka iaasam asam namin, kaunti na lang ang hihintayin, parang kailan lang, nag iinquire palang ako sa STI, ngayon, mamaalam na. Sigurado na pamamaalam namin, ang kailangan nalang na requirement, mabuhay ka hanggang may 18, 2010.
Ano naghihintay samin pagkatapos nito?
haha,
oo nga pala naalala ko,
Course ko lang ang natapos, buhay pa ako, tuloy pa rin ang kalbaryo ng buhay.
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() | ![]() |









































No comments:
Post a Comment